-- Advertisements --
image 351

Pinaghahanda na ang mga Pilipino sa magiging epekto para sa posibleng pagdedeklara ng pagsisimula ng El Nino phenomenon sa susunod na linggo.

Ayon sa state weather bureau forecaster Patrick del Mundo na posibleng sa isasagawang climate forum sa susunod na linggo o sa huling araw ng Miyerkules ng Hunyo maaaring magdeklara na ng El Nino sa bansa.

Aniya, ang isa sa mga parameters sa pagdedeklara ng onset ng El Nino ay ang sea surface temperature ng Pacific ocean.

Sa datos kasi noong Mayo, aniya nananatiling negatibo ang temperatura.

Sa oras na tumama ang El Nino, sinabi pa ni Del Mundo na makakaranas ng dry condition ang timog at silangang bahagi ng bansa.

Magdudulot din ng mas malakas na pag-ulan lalo na sa may kanlurang bahagi ng bansa.

Ayon sa bureau, tumutukoy ang El Nino sa pag-init ng ocean surface sa central at eastern Pacific Ocean na maaaring magdulot ng below-normal na pag-ulan na may negatibong epekto sa ilang parte ng Pilipinas.

Ilan sa maaaring maranasan ng bansa ay dry spell at drought o tagtuyot.