CENTRAL MINDANAO – Nakubkob ng militar ang dalawang maliliit na kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang napasok ng Joint Task Force Central ang Brgy Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao at narekober ang dalawang improvised explosive device (IED) sa isang kubo kung saan nagtatago ang mga terorista.

Narekober din ang isang M16 armalite rifle, isang M14 rifle at mga bala sa Brgy Salman, Ampatuan, Maguindanao na iniwan ng BIFF.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central sa pamumuno ni 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army ang pagtugis sa grupo ni Kumander Salahudin Hassan at Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS inspired group sa Maguindanao.