Hong kong protests rallies 1
Hong Kong

TUGUEGARAO CITY – Apektado umano ang ekonomiya ng Hong Kong sa nagpapatuloy na kilos protesta ng mga mamamayan doon

Sinabi Janice Garvin, isang ofw sa Hong Kong na tubong rizal, kalinga na humina umano ang bentahan sa mga retail outlet sa central part ng hongkong.

Ayon kay Garvin na natatakot ang mga turista dahil sa kabi-kabilang protesta sa lugar bunsod ng tinututulang extradition bill

Dagdag pa niya na umatras din ang isang investor na maglalagak sana ng 4 billion dollars na halaga ng negosyo sa hongkong kung saan inilipat ng kumpanya ang balak na ipatayong negosyo sa Singapore.