Patuloy umano ang recovery process ni Eddie Garcia bagama’t nananatili ito sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Ito’y isang araw matapos dumanas ang 90-year-old veteran actor ng matinding atake sa puso sa gitna ng taping sa Tondo, Maynila.

Sa panig ng GMA-7 na siyang may hawak ng kasalukuyang programang kinabibilangan ni Manoy, kanila na raw nire-review ang kumakalat na video sa internet kung saan makikitang nag-collapse ito.

Una nang nilinaw ng pamilya ni Garcia na hindi ito naaksidente at hindi rin comatosed.

Taong 2012 o 83-anyos pa lamang noon ang multi-awarded actor nang maging bukas sa usapin hinggil sa kamatayan kung saan kanyang inihabilin na siya ay agad i-cremate.

Kasabay ito ng special screening sa Toronto International Film Festival ng pelikula niyang “Bwakaw” na patungkol sa isang matandang bading na matagal nang pinaghahandaan ang kanyang kamatayan.