Nagbabala ang Ecowaste coalition laban sa paggamit ng mga Halloween costumes at mga laruan na may button cell batteries dahil maaaring magresulta ito sa aksidenteng pagkasakal at chemical burns at posible ding humantong sa kamatayan.
Inisyu ng grupo ang naturang warning kasunod ng nauusong pagbili ng Halloween themed headbands na mayroong hindi ligtas na battery covers na delikado para sa mga bata.
Ayon sa grupo, ibinibenta ang mga ito sa murang halaga na P20 kada piraso.
Ito ay ang mga unlabeled headbands na napapalamutian ng plastic devil horns, pumpkins at skullls na kraniwang binibenta sa mga merkado at madals sinusuot ng mga bata sa Halloween parades at parties.
Saad pa ni EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, ang naturang mga headbands ay mayroong blinking o non-flashing flights na naglalaman ng tiny button cell batteries na may sukat na 10 millimeters na delikado sa mga bata kapag ito ay kanilang nahawakan at paglaruan out of curiosity at may posibilidad na ito ay aksidenteng malunok ng bata.
Para maiwasan ang ganitong mga insidente ng choking, chemical burns at kamatayan dahil sa button battery ingestion, paalala ng EcoWaste Coalition sa publiko na huwag bumili ng mga laruan kung ang button battery compartments ay madaling masira o mabutas.
Kailangan din aniyang tiyakin ng adults/ guardians na ang button batteries sa mga laruan ng mga bata o sa gamit sa bahay ay mayroong screw at dapat na ilayo sa mga bata ang mga button batteries nang hindi nakikita o naabot ng mga bata.