Reading Time: 1 minute

Kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Palawan ang host-comedian na si Eagle Riggs matapos na masangkot ito sa aksidente.

Nitong Linggo ng madaling araw nang mabangga ng isang motorsiklo si Eagle habang tumatawid sa Rizal Avenue Extension sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa.

Batay sa ulat, naoperahan na raw sa binti si Eagle sa Cooperative Hospital.

Nagtungo sa Puerto Princesa, Palawan si Eagle dahil naging host ito ng isang show doon nitong nakalipas na Sabado, Agosto 17.