Terrafirma
-- Advertisements --

Nakuha ng Terrafirma ang unang panalo matapos talunin ang San Miguel Beermen 110-104 sa overtime gamepagsisimula muli ng 2021 PBA Philippine Cup na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacoor, Pampanga.

Hinabol ng Dyip ang 15 points sa loob ng siyam na minuto sa regulation.

Naging malaking hamon sa Dyip ang laro dahil wala ang ilang mga pangunahing manlalaro ng mga ito gaya nina Joshua Munzon at Roosevelt Adams.

Bumida sa panalo ang veteran guard na si Juami Tiongson na nagtala ng record high na 28 points, tatlong rebounds, pitong assists at tatlong steals.

Nasayang naman ang nagawang 28 points ni Terrence Romeo at ang ginawang 18 points, 12 rebounds ni June Mar Fajardo.

-- Advertisement --