Wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong PNP chief.

Ayon sa pangulo na kaniyang pinag-aaralang mabuti ang mga listahan na isinumite sa kaniyang opisina.

Hindi nito minamadali ang pagpili dahil sensitibo ang nasabing posisyon.

Lahat aniya ng mga pangalan na isinumite sa kaniya ay may mga magandang record at wala itong pagdududa sa mga dito.

Magugunitang nagretiro nitong Oktubre si dating PNP chief Oscar Albayalde kung saan humalili sa kaniya bilang OIC si Police General Archie Gamboa.