Pres Duterte
President Duterte

TOKYO – Hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (COMELEC) na huwag ng gamitin sa mga susunod na eleksyon ang vote-counting machines (VCMs) ng Smartmatic.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag bilang tugon sa tanong ng isang Pinay na kasama sa Filipino community meeting kagabi sa Tokyo.

Kinilala ang Pinay na si Rica Dasal-Tadeka na nagtanong kung ano ang masasabi ni Pangulong Duterte sa mga pagdududa laban sa integridad ng Smartmatic.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nakareserba sana ang kanyang posisyon laban sa Smartmatic sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo pero sasabihin na niya.

Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw naman niyang diktahan ang kapwa independent body na COMELEC kaya hinihimok nitong humanap na ng ibang contractor at huwag ng gamitin ang mga makina ng Smartmatic.

Kung ayaw daw nilang kumuha o bumili ng bago, gawan daw ng COMELEC ng paraan para ayusin man lang ang mga nasabing VCMs.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here