Duterte on Chinese drug lords
Pres. Duterte

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga mataaas na opisyal ng Russia ang kampanya nito sa iligal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa plenary session ng Valdai Discussion Club, sinabi nito na ayaw ng gobyerno niya na masira ng droga ang kaniyang pamamahala.

Hindi rin naiwasan ng Pangulo na na batikusin ang Amerika dahil daw sa maling impormasyon na dumarating sa kanila.

Hiniling nito sa Estados Unidos ang patas na respeto sa Pilipinas.

Ang nasabi namang pagpupulong ay pinangunahan ni Russian President Vladimir Putin.