Duterte Meeting
Duterte Meeting/ Sen. Bong Go image

Pinaghahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar kung sakaling magkaroon ng evacuation ng mga Filipino na nasa Middle East.

Sa kaniyang pulong kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga opisyal ng mga militar at police sa Malacañang, pinaghahanda nito ang mga eroplano at barko ng mga militar para gamitin sa paglikas ng mga OFW na maiipit sa giyera.

Sinabi ni Department of Defense Spokesperson Arsenio Andolong, nais tiyakin ng pangulo ang kaligtasan ng mga mamamayan na nasa Gitnang Silangan lalo na ang mga nasa Iran at Iraq.

Aabot kasi sa 1,600 na mga Pinoy ang nasa Iran at mahigit 6,000 OFW naman ang nasa Iraq.

Magugunitang sumiklab ang tension ng mapatay ng US sa pamamagitan drone attack ang military commander ng Iran na si Qassem Soleimani sa Baghdad airport.