duterte on vp

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga miyembro ng kaniyang gabinete na huwag ng magtungo sa United States.

Kasunod ito sa naging kautusan niya ng pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA).

-- Advertisement --

Ayon pa sa pangulo na paunti-unti na niyang binabawasan ang pagiging mahigpit na pakikipagkaibigan niya sa U.S.

Magugunitang pinabasura ng Pangulo ang nasabing VFA matapos na kanselahin na ng US ang visa ni Senator Ronald Dela Rosa.

Ang VFA na pinirmahan noong 1998 para mabigyang karapatan ang mga sundalo ng US na makapagsagawa ng military exercises at humanitarian assistance operations.