DUTERTE LOCSIN ASEAN
Duterte and Locsin

Pinag-iisipang mabuti pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagputol ng relasyon sa Iceland.

Sinabi ng Pangulo na bagamat may nauna ng pahayag si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, sa nasabing usapin ay nasa pangulo pa rin ang desisyon.

Ayon pa sa pangulo na ayaw niyang maapektuhan ang mga Filipinong naninirahan sa Iceland kung sakaling lumala ang hidwaan ng dalawang bansa.

Magugunitang ikinagalit ng pangulo ang gagawing imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa mga nagaganap na extra judicial killings sa bansa.