Reading Time: 1 minute

Mananatili lamang daw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bahay sa Davao City at magpapahinga lang, habang marami sa mga Pilipino ang magbabakasyon para samantalahin ang mahabang holiday break ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon balak ni Pangulong Duterte na sa bahay lang para makasama ang kanyang pamilya.

Gayunman, maaaring biglang magbago raw ang schedule ni Pangulong Duterte kung nanaisin niya.

Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, magkakaroon pa rin ng skeletal force sa Executive Branch habang nasa Davao ang pangulo.

Hindi naman aniya ito magiging problema dahil kaya naman magtrabaho ng chief executive kahit nasa Davao siya.

Inihayag ni Sec. Nograles na kung may mahalagang agenda, maaari ring lumipad agad si Pangulong Duterte pabalik ng Malacañang.