Anumang araw ay ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga kapulisan na sangkot sa iligal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng kaniyang partidong PDP-laban sa Malabon City, sinabi ng pangulo na may mga kapulisan ang nasa likod na iligal na droga kaya hindi ito mahinto-hinto sa bansa.

Dagdag pa nito na sa kaniyang dokumentong ibubunyag ay malalaman kung paano laruin ng mga kapuilsan ang droga.

Inihalimbawa nito na may ilang police officials na matagal ng nakatalaga sa anti-drug division ng PNP na hindi pa matanggal-tanggal.

Kasabay din ng okasyon ay hindi na ikinaila nito na nahihirapan ang gobyerno na tuluyang mapahinto ang paglaganap ng iligal na droga ng bansa.