Reading Time: 1 minute
Duterte leyte
Duterte

Muli na naman nagbiro sa mga kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinagawa nito ang pagbibiro sa pagdalo niya sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lungsod ng Taguig, kung saan tatanggap lamang siya ng imbitasyon para kumain ng hapunan mula sa dalaga lamang.

Dagdag pa ng pangulo na maraming nag-iimbita sa kaniya na magkape sa labas pero mga lalaki na kaniyang tinatanggihan subalit kapag dalaga ay hindi nito tatanggihan.

Nagbigay pa ng kondisyon ito na dapat siya ang magbayad nito.

Magugunitang pinuna ng ilang grupo ng kababaihan ang ginagawang pagbibiro ng pangulo sa mga kababaihan.

Kamakailan din ay isinabatas na ang Republic Act 11313 o Safe Spaces Act o ang pagpapataw ng kaparusahan sa mga pambabastos sa mga kababaihan.