Duterte swears
President Rodrigo Duterte

MOSCOW – Dumating na sa Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang five-day official visit.

Mag-alas-9:00 nitong umaga oras sa Pilipinas o madaling araw sa Russia nang lumapag ang eroplano kung saan lulan ang Pangulo sa Vnokuvo Military Airbase.

Mainit na sinalubong si Pangulong Duterte ng Russian delegation sa pangunguna ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev.

Kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang Russian trip ang 16 na miyembro ng kanyang gabinete.

Isa sa mga magiging highlights ng unang araw ni Pangulong Duterte sa Russia ay ang bilateral meeting nila ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Nakatakda ring mag-courtesy call kay Pangulong Duterte ang Chief Executive Officer ng ROSNEF (Global Public Oil and Gas Corporation).

Matapos nito, bibiyahe na si Pangulong Duterte papuntang siyudad ng Sochi para sa pulong nila bukas ni Russian Federation President Valedemir Putin at speaking engagement sa plenary session ng Valdai Discussion Club.