Nilinaw ng Malacañang na magtatrabaho pa rin umano si Pangulong Rodrigo Duterte kahit na magpapahinga ng tatlong araw.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi umano susunod si Pangulong Duterte sa payo ng kanyang mga kaibigan na magpahinga muna.

Sa bahay daw nito sa lungsod ng Davao magtatrabaho ang Pangulo dahil sa mga paperworks.

“I just talked with the President. He will not be on leave, he will continue with his work in his Davao (home). The President has declined the suggestion of well-meaning friends to have a rest for a few days,” wika ni Panelo.

Lilipad agad patungong Davao si Pangulong Duterte matapos dumalo sa burol ng yumanong John Gokongwei, Jr.

“The Chief Executive will fly to Davao tonight after attending the wake of the late John Gokongwei, Jr. at the Heritage and will continue working at his residence there,” ani Panelo.

Una nang sinabi ni Panelo na magkakaroon daw ng three-day break ang Punong ehekutibo mula ngayong Martes, Nobyembre 12.

Tiniyak naman ng kalihim na kaya pa ring makasabay ni Pangulong Duterte sa “demands” ng kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.

“While the demands of pressing work that go along with the highest position of the land are unceasing, the people can rest assured that the President can keep up with the same and is in the best position to know how he can maintain to be on top of his health,” anang opisyal.