Duterte Sept14
-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – May hurisdiksyon pa rin ang International Criminal Court (ICC) sa isasagawang pre-trial chamber sa alegasyon sa crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa anti-illegal drugs campaign noong mayor pa ito ng Davao City. 

Ito ang naging reaksyon ni Judge Lorenzo Balo ng Regional Trial Court(RTC)-South Cotabato matapos ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas gusto ng pangulo na mamatay kaysa humarap sa ICC.

Dagdag pa ni Balo na may posibilidad na magpalabas ng warrant of arrest ang ICC kung may makitang probable cause sa nasabing alegasyon.

Pareho lamang aniya ito sa ordinaryong proceedings dito sa bansa na mag-iisyu ng warrant of arrest ang korte kung may basehan ang reklamo.