Senator Bong Go
Senator Bong Go/ FB image

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nais pala ni Pangulong Duterte na mag-take ng terminal leave si resigned PNP Chief Oscar Albayalde.

Sinabi ni Sen. Go, nag-usap sina Pangulong Duterte at Interior Sec. Eduardo Año matapos ang Cabinet meeting nila madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Sen. Go, dito ay ipinaabot umano ni Pangulong ang kanyang rekomendasyon na leave kay Albayalde habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa “ninja cops.”

Ipinaliwanag naman ni Sen. Go na hindi naman ibig sabihing nawalan na ng tiwala si Pangulong Duterte kay Albayalde.
Nababahala lang daw si Pangulong Duterte na apektado na ng isyu kay Albayalde ang kanyang pagganap ng tungkulin bilang PNP chief.

Naghihintay pa rin umano si Pangulong Duterte ng resulta ng imbestigasyon ng Senado at ng DILG.