DOLE Sec. Silvestre Bello
DOLE SEC BELLO

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na magtungo sa The Netherlands para ituloy ang usaping pangkapayapayan kay communist leader Jose Maria Sison.

Ayon sa pangulo na laging bukas pa rin ang pintuan para sa usaping pangkapayapaan.

Magugunitang naputol ang peace negotation ng gobyerno at communist rebels noong Nobyembre 2017 matapos na kondinahin ng pangulo ang patuloy na pag-atake ng mga rebelde sa mga sundalo at mga sibilyan.

Nauna ng sinabi ng gobyerno na magiging matagumpay lamang ang usaping pangkapayapaan kapag magpapakita ang mga komunistang grupo ng kanilang sinsiridad sa pakikipag-usap.