Reading Time: 1 minute
Duterte SONA
Duterte

Inaasahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin siya ng mga kaso mula sa mga tinanggal niyang opisyal ng gobyerno kapag natapos na ang kaniyang termino.

Sa kaniyang talumpati sa program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Taguig City, sa natitirang taon ng kaniyang termino ay tiyak na gagantihan siya ng mga sinibak nito dahil sa katiwalian.

Ipinagmalaki dito na wala siyang anumang kasong kurapsyon na ikakaso sa kaniya.

Aminado ito na naging hamon sa kaniya ang paghabol at pagsibak sa mga empleyado ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.