Hindi pa handa is Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang COVID-19 quarantine period ng mga umuuwing overseas Filipino workers.

Kasunod ito sa pakiusap ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na kung maaaring bawasan na ang mga quarantine days ng mga returning OFW.

Ayon kasi kay Bello na mayroon lamang maliit na porsiyento ang nagpopositibo sa mga umuuwing OFW na nakahimpil ngayon sa iba’t-ibang quarantine hotel ng bansa.

Hiling din ng kalihim sa pangulo na kung maaari ay agad na i-swab ang mga OFW at sila ay i-quarantine ng hanggang limang araw lamang habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Iginiit naman ng pangulo na pinakinggan nito ang payo ng health experts at sinabi niyang ayaw niyang magkompromiso at kaniya pa itong pag-aaralang mabuti bago maglabas ng pinal na desisyon.