Reading Time: 1 minute

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng victory party matapos na karamihan sa mga senador na kaniyang inindorso ay panalo.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na hindi ugali ng pangulo ang magpa-‘party’.

Mas nanaisin pa nitong manatili sa bahay kaysa dumalo sa anumang kasiyahan.

Nauna rito siyam sa 12 kandidato ng administrasyon ay tiyak na ang panalo sa katatapos lamang na halalan.