Handang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Rohingya refugees.

Sa talumpati nito sa Cotabato City, sinabi nitong handa niyang tanggapin ang mga Rohingya Muslims mula sa Burma sakaling magtutungo ang mga ito sa Pilipinas.

Hinikayat din nito ang Indonesia, Malaysia na gayahin ang kaniyang ginawang pagtanggap sa mga Rohingya Muslims.

Dagdag pa nito na matuturuan ng mga Filipino ang mga Rohingya Muslims ng pagkakakitaan.