Kinumpirma ng MalacaƱang na handa na si Pangulong Rodrigo Duterte na maisapubliko ang kanyang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Duterte facemask 1

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang naging desisyon ni Pangulong Duterte kung ito umano ang makatutulong para maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Ayon kay Sec. Roque, may public clamor para sa pagsasapubliko sa pagpapaturok ng bakuna ni Pangulong Duterte kaya pumayag na rin ito.

Maliban dito, nasa priority list din umano ang pangulo, bilang senior citizen para maunang mabakunahan.