duterte on middle east

BACOLOD CITY – Naging mahigpit ang seguridad sa lungsod ng Bacolod kasabay ng pagdalo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa birthday party ng Yanson matriarch.

Dakong alas-10:21 ng gabi nang lumapag ang presidential plane sa Bacolod-Silay Airport at ilang minuto lang ang nakalipas, dumating na ito sa Bacolod sakay sa presidential chopper.

Mabilis naman itong nakarating sa L’Fisher hotel sa Lacson Street na venue ng 86th birthday ni Olivia Villaflores Yanson (OVY).

Si OVY at ang pamilya nito ang may-ari ng pinakamalaking bus company sa buong Pilipinas.

Maliban kay Pangulong Duterte, dumalo rin sa birthday party ang ilang senador tulad nina Sen. Christopher Go, Sen. Ronald Dela Rosa, Sen. Cynthia Villar at Sen. Imee Marcos at ilang cabinet officials.

Nag-perform sa party ang beteranong singer na si Basil Valdez.

Mag-aalas-12:00 na ng madaling-araw nang umalis sa party si Duterte.

Ngunit dahil sa mahigpit na seguridad na inilatag ng Presidential Security Group (PSG) at kapulisan sa Bacolod.

Hindi na rin , hindi na nakalapit at nakapanayam ang media sa chief executive.

Hindi naman dumalo sa kaarawan ng kanilang ina ang tinaguriang Yanson 4 na may sariling faction na naging sanhi ng nagpapatuloy na away ng magkakapatid.