President Duterte
-- Advertisements --

Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.

Ayon kay Nograles na binanggit na ito ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong kagabi, pero hindi naman matandaan kung ano talaga ang eksaktong sinabi nito.

Dipensa ni Nograles, na-cut ang bahagi ng pahayag na ito ng pangulo sa kanyang “Talk to the People” na inere kagabi.

Magugunita na katulad sa mga nakalipas na public address ni Pangulong Duterte, ang “Talk to the People” nito ay pre-recorded lamang din.

-- Advertisement --