-- Advertisements --

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko laban sa mga scammers na nagsasamantala sa COVID-19 pandemic pagsamantalahan ang mga nam imili o online buyers.

Sinabi ni Pangulong Duterte, huwag na huwag papaisa sa mga nasa ‘online-online’ na nanamantala sa sitwasyon.

“Do not fall for that thing , online-online. Nobody has perfected this thing,” ani Pangulong Duterte sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Panacan, Davao City.

Partikular na tinukoy ni Pangulong Duterte ang mga nagbebenta ng face masks.

Kaya mariing binantaan ni Pangulong Duterte ang mga online sellers na magsasamantala sa mga buyers na sasaksakan niya ng maruming medyas sa kanilang bibig.

-- Advertisement --