Ipinagtanggol ni Sen. Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyung pakikipagpulong nito kay Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Go, walang mali sa pagkonsulta ni Pangulong Duterte sa mga lider ng Kongreso.

Giit ng senador, gustong malaman ng Pangulo ang sentimyento ng mga mambabatas kaugnay sa isyu sa New Peoples Army (NPA) at iba pang usapin kaya niya ipinatawag sina Sotto at maging si House Speaker Lord Alan Velasco.

Iginiit naman ni Go na nalulungkot siyang marinig at malaman na kapwa Pilipino ang nagpapatayan sa tuwing nagkaka-engkuwentro ang tropa ng pamahalaan at ng mga rebelde.

Kaugnay nito, umapela si Go sa armadong grupo na tigilan na ang armadong pakikibaka at tigilan na ang tangkang pagpapabagsak sa gobyero habang igalag na lang ang pagpili ng taumbayan kay Pangulong Duterte na mamuno sa bansa.

Binigyang diin ni Go na bukas ang administrasyon sa mga kritisismo pero igalang din ang boses ng mayoryang Pilipino na naghalal sa pangulo.