Reading Time: 2 minutes
durant
Kevin Durant

Buhay pa rin umano ang pag-asa ni Golden State coach Steve Kerr na makakalaro pa rin si Warriors superstar Kevin Durant sa NBA Finals.

Katunayan, ibinunyag ni Kerr na may magandang tsansa na makalahok na si Durant ng Game 5 o Game 6 ng best-of-seven series ng Warriors at ng Toronto Raptors.

“I do think he’ll play in the series,” wika ni Kerr. “I think there’s a good chance that he plays in Game 5 or 6.”

Gayunman, inamin ni Kerr na mayroong grey area at medyo nahihirapan silang i-assess ang kalusugan ni Durant, na hindi pa nakakalaro mula nang magwagi ang Warriors sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston Rockets.

Paliwanag ni Kerr, ang klase ng injury ng two-time NBA Finals MVP ang siyang nagpapahirap sa kanila na matukoy ang status ng pagrekober ni Durant.

Sa ngayon ay hindi pa pinapahintulutan si Durant na makapag-ensayo kasama ang team, at hindi pa rin malinaw kung kailan ito papayagan.

Samantala, may tsansa rin umanong makabalik sa championship series si Kevon Looney, na una nang initsapwera dahil sa pagkabali ng kanyang collarbone.

Pero ayon kay Kerr, kanila munang tinitimbang ang mga posibilidad dahil ayaw nilang ilagay si Looney sa peligro.

“We got a second opinion. The first opinion we got is that this would make no sense for him to come back,” ani Kerr. The second opinion is… there’s a possibility. There is a chance he could come back… We don’t want to put him or his future at risk. We’ll weigh everything and go from there.”