curry durant thompson
Kevin Durant

Naniniwala si Golden State Warriors coach Steve Kerr na makakapaglaro na ang kanilang Most Valuable Player (MVP) Kevin Durant sa Game 5 ng NBA finals kontra sa Toronto Raptors.

Sinabi ni Kerr, na naging maganda ang ipinapakitang laro ni Durant sa kanilang pag-eensayo sa Scotiabank arena ang homecourt ng Raptors.

Dagdag pa nito na kanilang oobserbahan mabuti ang kalagayan ni Durant kung kaya na ba nitong sumabak sa laban.

Nakipagsabayan aniya si Durant sa mga batang manlalaro para masukat ang kaniyang lakas.

Aniya na wala silang sinayang na panahon dahil agad silang nagsagawa ng ensayo para makabangon sa kanilang pagkatalo kung saan nasa 3-1 na ang serye at kailangang mapigilan nila ang Raptors para hindi makuha ang kampeonato.