Inako ni Health Sec. Francisco Duque III ang responsibilidad sa pagkaka-delay ng distribusyon sa financial assistance para sa health care frontliners na tinamaan at namatay sa COVID-19.

Sa kanyang Twitter post, inamin ni Duque na sinisi niya ang mga staff ng Department of Health (DOH) matapos kwestyunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaantala sa P1-milyon at P100,000 na benepisyo.

“While I expressed disappointment towards some members of my team, I acknowledge that this is still my responsibility as SOH.”

Tiniyak ng kalihim na aaksyunan ng tanggapan ang sitwasyon, alinsunod sa Bayanihan to Heal As One Act.

“I will make sure that we comply with the Bayanihan to Heal As One Act, with proper documentation and identification of HCWs.”

Sa recorded meeting ni Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Inter-Agency Task Force na inere nitong umaga, nagpahayag ng pagkadismaya si Duque sa kanyang mga tauhan dahil sa kawalan umano ng pagmamadali sa distribusyon ng tulong pinansyal.