Reading Time: 1 minute

Nasa kamay na raw ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang desisyon kung pansamantala itong magle-leave habang iniimbestigahan ang alegasyon ng conflict of interest ng kompanya ng kanyang pamilya sa gobyerno.

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo na walang ibinababang desisyon ang pangulo kung sisibakin nito sa pwesto ang kalihim.

Kaya si Duque na raw ang bahala kung iko-konsidera nito ang delicadeza sa pagbaba sa DOH.

Ani Panelo, nakapag-paliwanag naman na ang Health secretary kung saan sinabi nitong nakapag-divest na ito sa Doctors Pharmaceuticals Inc. bago pa nakuha ng kompanya ang government contracts.

Malaya naman daw ang mga sendor na gumawa ng imbestigasyon sa kalihim.

Tiwala din umano ang Malacañang na dadalo dito si Duque.

Bukod sa akusasyong ibinulgar ni Sen. Panfilo Lacson, nahaharap din sa Duque sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay ng inuupahan umanong gusali ng PhilHealth sa Pangasinan.