GCTA Senate heairing

Nagtataka si Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon sa paglobo ng isyu laban sa pulisya na hindi direktang masagot ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Gordon, normal lamang na mag-demand ng malaking performance ang taongbayan sa hanay ng mga pulis dahil sa malaking pondong inilalaan dito.

Pero sa halip aniyang masagot ang mga sablay, isinisisi nito sa ibang tao ang kontrobersiya.

Nabanggit pa ng senador ang isyu ng reward system na tila nadadawit na naman daw ang mga pulis.

Samantala, nanindigan naman si Albayalde na hindi ito magbibitiw sa pwesto.

Naniniwala ang chief PNP na isa iyong trap, lalo’t magtatapos na ang kaniyang termino sa buwan ng Nobyembre.

“I will not resign,” pahayag ni Albayalde.