Desisyon ng main office ng kumpanyang Honda cars ang pagpapasara nito ng planta sa Laguna.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na hindi lang sa Pilipinas isinara ng kumpanya ang kanilang planta at sa halip ay maging sa Turkey, United Kingdom, Argentina at Mexico.

Sa kaniyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng kumpanya, tiniyak nila na mabibigyan ng sapat na kompensasyon ang nasa 387 na manggagawa nito.

Magugunitang naglunsad ng kilos protesta ang mga empleyado matapos na sila ay biglain sa pagpapasara ng nasabing planta.