HAM
-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers ng mga noche buena products na huwag munang magtaas ng kanilang presyo.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na susubukan nilang kausapin ang mga manufacturers para ipanatili ang nasabing presyo.

Noong nakaraang taon kasi ay hindi na nagtaas ang kanilang presyo kung saan ginamit dito ang presyo noong 2019.

Tiniyak nila na kanilang babantayan ang galaw ng mga presyo ng mga Christmas products.