Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kahalagahan ng product standards ng mga construction materials.

Kasunod ito naganap na magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na mahalaga na sumailalim sa masusing pagsusuri ang nabanggit na produkto.

Inihalimbawa nito na dapat sumailalim sa pre at post-shipment mandatory testing ng mga imported construction materials.