Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na lahat ng mga reklamo laban sa mga oniline shopping ay kanilang tinutugunan.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na kanilang pinapasagot ang mga online sellers tuwing may mga natatanggap silang reklamo sa kanila.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga mamimili na doon na lamang bumili sa lehitimong online sellers para hindi sila maloko o malinlang.

Ipinagmalaki rin ni Lopez na halos lahat ng mga idinudulog sa kanilang opisina na reklamo ay nabibigyan ng karampatang tugon.