Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development ang unang bugso ng pamamahagi ng financial assistance sa mga pamilya sa probinsya ng Agusan Del Sur
Ito ay mula naman sa Emergency Cash Transfer program ng kanilang ahensya.
Batay sa datos ng DSWD, aabot sa kabuuang 113 ECT-qualified beneficiaries ang nabigyan ng cash aid na nagkakahalaga ng tig P5,004.
Kinakalkula naman ang halaga na ito sa pamamagitan ng pag-multiply ng 75% ng kasalukuyang regional daily minimum wage rate na P370 sa 18 araw.
Nakatakda namang mamahagi ang ahensya ng tulong sa mga natitirang munisipalidad sa Agusan del Sur sa darating na mga araw.
Samantala, sinabi ng ahensya na ang ECT ay isa lamang sa kanilang programa.
Ito ay naisasaaktibo lamang tuwing nakataas ang state of calamity sa mga lalawigang apektado ng kalamidad.