Iniulat ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na aabot na sa mahigit 3.3 milyong benepisyaryo ang kanilang nabigyan ng kabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Ayon sa ahensya, ang naturang programa ay layong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipinong kabilang sa vulnerable at marginalized sector.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng panimulang kapital sa maliit na negosyo.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs under the Operations Group and concurrent SLP OIC Florentino Loyola Jr. na ang nasabing programa ay tumugon sa ibat ibang krisis .
Kabilang na rito ang Marawi Siege, ang ilang buwan na pagsasara ng Boracay at ang naging pagpapatupad ng price cap sa bigas.
Ito ay mag dalawang uri, ang una ang Microenterprise Development Track.
Dito ay makakatanggap ang benepisyaryo ng ₱15,000 capital assistance.
Ikalawa naman ang Employment Facilitation Track na kung saan aabot sa ₱5,000 na tulong ang magmumula sa DSWD .
Ito ay para naman sa mga mahihirap na first time job seeker.