Nagpapatuloy pa rin ang pagpapaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong para sa mga Mindanaoans na apektado ng landslide at bahan bunsod ng trough ng low pressure area.
Ayon sa DSWD, nakapamahagi na sila ng mahigit P181 mllion halaga ng tulong para sa mahigit 1.4 million apektadong indibdiwal sa may Davao region, Soccskargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasalukuyang binabantayan naman ng ahensiya ang kalagayan ng mahigit 300,000 katao na nawalan ng tirahan dahil sa landslide at baha kung saan mahigit 23,000 sa kanila ang inilikas patungo sa mga evacuation center sa 4 na rehiyon.
Kabilang sa mga na-displace ay 401 na sanggol at 66 buntis.
Ilan sa mga tulong na ipinamahagi ng ahensiya ay family food packs, medicine, hygiene kits, tubig at iba pang lubhang kailangan ng mga naapektuhan ng epekto ng masamang panahon.
Sa damage assessment, umaabit na sa 665 kabahayan ang nawasak at 937 naman ang bahagyang napinsala sa mahigit 800 apektadong barangay.
Samantala, nagsasagawa din ng grief counseling ang social workers sa Davao region para matulungan ang mga pamilyang ng mga biktima ng landslide.
Tiniyak din ni DSWD chief Rex Gatchalian sa mga residente ng Midanao na bibigyan ang mga ito ng kaukulang tulon kabilang ang pinansiyal at psycho-social intervention