Nakatakdng mamahagi ng pagkain at basic necessities ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya mula sa mga pinaka-apektado ng economic impact ng enhance community quarantine sa Luzon.
Sinabi ng DSWD na nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang kanilang field offices sa mga local government units sa pagtukoy ng magiging target beneficiaries, distribution points, at strategies na kanilang susundin para matiyak ang maayos na pamamahagi ng mga pagkain at basic necessities.
Tutulong din ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa delivery ng mga food packs pati na rin ng mga hygiene kits sa mga benepisyaryo.
Ayon sa DSWD, mayroon pa silang P1.3 billion halaga ng quick response funds.
Sa oras na maubos ito, maari naman aniyang bigyan pa sila ng Department of Budget and Managemetn.
Samantala, hinimok naman ni DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya ang mga local government units na bumuo ng stratehiya sa ligtas na distribution ng tulong sa mga pamilyang apektado.
Sa isang pulong balitaan, inirekominda ni Malaya na gawing door-to-door ang delivery ng mga relief goods.