LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na nakahanda ang tanggapan sa pagbibigay ng tulong sa mga posibleng maapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa panayan ng Bombo Radyo Legazpi kay Marites Quismorio, Social Welfare Officer II at tagapagsalita ng Disaster Risk Reduction and Management Section (DRRMS) ng DSWD Bicol, mayroong stockfile na 31,092 family food packs na nagkakahalaga ng P17,476,203.
Maliban dito, may mga food items pa na available at pwede pang makapag-reopack ng nasa P20,000 na food packs.
Habang nasa P32,884,052 ang halaga ng mga nonfood items tulad ng mga family kits, hygiene kits, kitchen kits, family tents, laminated sacks o trapal at iba pang pangangailangan ng mga posibleng biktima ng kalamidad.
Ayon kay Quismorio, mayroon na ring mga naka-preposition na goods sa mga lokal na pamahalaan upang agad na makapagbigay ng tulong oras na mangailangan.