-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang drug suspect nang manlaban sa mga pulis sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Tungko Esmael,56 anyos, may asawa at residente Purok Bagong Sikat Barangay Sagasa Esperanza Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Esperanza PNP na nagsagawa sila ng drug buybust operation ngunit natunugan ng suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya bumunot ng baril at nagpaputok.

Napilitan ang mga pulis na barilin si Esmael at nagtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan.

Naisugod pa ang suspek sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa posisyon ni Esmael ang isang .38 revolver,mga bala,shabu,buybust money,cellphone at mga personal na kagamitan.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Esperanza PNP ang kampanya kontra pinagbabawal na droga.