Patay sa isinagawang buy bust operations na ikinasa ng ng Sta Rosa, Laguna police office laban sa isang kilalang street level drug pusher.

Ikinasa ang buybust kaninang alas-2:30 ng madaling araw sa may Daang Bakal, Barangay Labas, Sta Rosa City, Laguna.

Nakilala ang napatay na drug suspek na si si Noel Dumlao Bola alias Totong Aso.

Sa ulat ng mga pulis, nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kaniyang naka transaksiyon kaya agad nito binunot ang kaniyang baril at nanlaban sa mga pulis.

Dito na nagsimula ang labanan na ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa posisyon ng drug suspek ang isang cal .45 pistol, isang plastic transparent sachert na naglalaban ng shabu, buybust money na nagkakahalaga ng P500.00.