ILOILO CITY – Nagbanta si Senate Minority leader Franklin Drilon na hindi palulusutin ang panukalang budget ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2020.

Ito ang tugon ng senador matapos mabatid na may inilaang pondo pa rin ang ahensya kahit hindi nito itutuloy ang Barangay elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Drilon na wala ng rason para paglaanan pa ng budget ang eleksyon sa lebel ng barangay kung wala namang plano ang Comelec na ituloy ito.

Nabatid ng senador na nasa P5.7-milyon ang target ng Comelec sa ilalim ng proposed budget para sa naturang local election.

Una ng inanunsyo ng poll body ang plano nito na iurong sa May 2021 ang eleksyon sa barangay.

Posible rin daw na iurong pa ito sa October 2022 at May 2023.