PARIS – Nananatiling buhay ang pag-asa na magharap sa semi-finals ng French Open sina Rafael Nadal at Roger Federer matapos na kapwa makapasok ang mga ito sa last eight.

Sa loob ng dalawang oras at 13 minuto ay pinakain ng alikabok ni 11-time champion Nadal si Juan Ignacio Londero ng Argentina, 6-2 6-3 6-3.

Nagapi rin ni Federer ang isa pang Argentinian na si Leonardo Mayer sa kaparehas na scoreline.

Sunod na babanggain ni Federer si Stan Wawrinka makaraang talunin ng kanyang kababayan si sixth seed Stefanos Tsitsipas matapos ang limang set.

Haharapin naman ni Nadal ang sinuman kina Kei Nishikori ng Japan at Benoit Paire ng France. (BBC)