DRAKE
Drake/ IG post

Nagtala ng bagong record ang rapper na si Drake.

Ito ay matapos na manguna sa Billboard Music Awards.

Sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang 27 Billboard Awards sa kaniyang pangalan.

Tinalo niya sa nasabing awards sina Cardi B, Ariana Grande, Post Malone at Travis Scott.

Sa pinakahuling Billboard Music Awards ay mayroong kabuuang 12 itong nakuha gaya ng top rap artist at top male artist.