Kinansela ng PBA ang nakatakda sanang draft combine sa darating na Marso 10 at 11 bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng PBA na hindi na raw itutuloy ang event upang siguruhin ang kaligtasan ng mga players at mga staff.

Kinonsidera rin anila ang mga travel protocols na makakaapekto sa mga Filipino-foreigner aspirants at regional draft applicants.

Ayon pa kay PBA Commissioner Willie Marcial, may ilang aplikante rin ang may duty sa ibang mga liga, tulad ng MPBL.

Kabilang sa mga kilalang draft applicants sina NCAA Most Valuable Player Calvin Oftana, aktor na si Andre Paras, at San Miguel Alab Pilipinas player na si Jason Brickman, at iba pa.

-- Advertisement --